I am What I am (Ako ang Ako). Galugarin natin ang Pilipinas! Samahan mo akong tuklasin ang mga lokal na kaalamang nagpapatibay ng ating pagkakakilanlan!
Monday, September 30, 2024
Sunday, September 29, 2024
TEORYA NG WIKA: PINAGMULAN
Saturday, September 28, 2024
HALIMBAWA NG ANOTASYON MULA SA PANANALIKSIK
GAWAIN: ANOTASYON_PANANALIKSIK
PAHAYAG: Nasa kritikal at
malaking pangangailangan ang paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral upang umangat ang kasanayan
sa pagbasa. Ang agarang tugon ng mga
edukador at mga policy maker sa edukasyon ay kailangan upang matugunan ang isyu
ng mababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral.
PAMAGAT: Lebel ng Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral
sa Ikawalong Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Subic
MAY-AKDA : Hosenia E. Quintino, Baby S. Abagon
LAYUNIN, KAHALAGAHAN AT
TALAKAY SA SUSING SALITA
Ang pag-aaral ay isinagawa upang tukuyin ang
antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Ikawalong baitang ng Subic
National High School sa bayan ng Subic, Zambales. Ginamit ang pamamaraang
pagsusuri at pag-aaral ng datos mula sa mga mag-aaral sa pagsusuri ng antas ng
pag-unawa sa pagbasa ng iba’t ibang teksto upang makabuo ng interbensyong
materyal na makatutulong sa pagpapaunlad sa kakayahan sa pagbasa ng mga
mag-aaral. Mahalaga ang kasanayan sa maunawang pagbasa ng mga mag-aaral
sapagkat may malalim itong implikasyon sa edukasyon na nagiging sukatan ng
kalidad ng natamong edukasyon ng mga kabataan.
DATOS:
Mayroong limang bahagi ng pag-aaral ang papel na
ito; una ay ang lebel ng kasanayan sa
pagbasa ng mga mag-aaral kung saan inalam ang: pagkilala ng salita (maling bigkas, pagpapalit, pagsisingit,
pagkakaltas, paglilipat at pag-uulit) at pang-unawa. Sa ikalawang bahagi
naman ang kahirapan ng mga mag-aaral sa
pagbasa, pangatlo ang makabuluhang
pagkakaiba ng lebel ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kahirapan ng mga mag-aaral sa pagbasa;
sa ikaapat na bahagi ay
interbensyong ginawa upang mapaunlad ang lebel ng kasanayan sa pagbasa ng mga
mag-aaral.
Ginamit
sa pag-aaral ang palarawang pamamaraan
sa disenyo ng pananaliksik kung saan ang mga datos ay inilalahad kung gaano
karami o kalaki ang isang bagay at inilahad din ang resulta sa pamamagitan ng
mga bahagdan, naglalarawan kung ano ang kasalukuyan at kinabibilangan ng
deskripsyon, pagtatala, pag-aanalisa at pagpapakahulugan ng kasalukuyang
kalagayan at komposisyon. Ang talatanungan
ay ipinamahagi sa 182 na mag-aaral na
nasa ikawalong baitang. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay ang sumusunod: mayroong kasanayan sa pagbasa ang mga
mag-aaral sa pagpili ng salita ngunit hindi
naabot ang inaasahan sa pang-unawa; madali
ang kinalabasan sa kahirapan ng mga mag-aaral sa pagbasa sa pagkilala ng
mga salita tulad sa maling bigkas, pagpapalit, pagsisingit, pagkakaltas,
paglilipat at pag-uulit at medyo madali
naman sa pang-unawa; may makabuluhang pagkakaiba ang lebel ng
kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kahirapan sa pagbasa ng mga mag-aaral;
katanggap-tanggap sa mga guro ang e-modyul na ginawa ng mananaliksik bilang
pang-interbensyon.
KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON:
Sa pananaliksik ni Quintino at Abagon, makikita na mayroong malubhang
pangangailangan para sa pagpapabuti ng kalidad ng kasanayan sa pagbasa ng mga
mag-aaral sa ika-walong baitang. Ang natuklasang kakulangan sa pag-unawa ng mga
kritikal na kaisipan sa mga tekstong binabasa ay indikasyon na pagpapabuti ng
pagtuturo ng mga guro, panahon at kalidad ng oras para pagsasanay sa pagbasa ng mga mag-aaral at mga kagamitang
pang-interbensyon sa pagbasa. Ang lahat ng
nabanggit ay ilan lamang sa suhestyon na magdaragdag ng pagpapabuti ng
antas ng pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral.
.
Reference:
Journal, A.
(n.d.). LEBEL NG KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA IKAWALONG BAITANG NG
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SUBIC. (PDF) LEBEL NG KASANAYAN SA PAGBASA NG
MGA MAG-AARAL SA IKAWALONG BAITANG NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SUBIC |
AJHSSR Journal Academia.edu.
https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_NG_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_MATAAS_NA_PAARALAN_NG_SUBIC
HALIMBAWA NG ANOTASYON MULA SA BALITA
GAWAIN: ANOTASYON _BALITA
PAHAYAG:
Ang mga mag-aaral sa Pilipinas ay nasuri na may
kakayahang makahanap ng impormasyon (locating information) ngunit isa sa
pinakamahina sa pag-unawa ng binabasang teksto sa buong mundo.
PAMAGAT: Mga
Mag-aaral na Pinoy, Pinakamahina sa 79 Bansa sa Pag-intindi ng Binabasa: PISA
MAY-AKDA: Rose Carmelle Lacuata
LAYUNIN,
KAHALAGAHAN AT TALAKAY SA SUSING SALITA
Ang PISA 2018 (Programme for
International Student Assessment) ay isang pang-internasyonal na pagsusuri na
may layuning magbigay ng mahahalagang datos tungkol sa kasanayan at kaalaman ng
mga nasa 15 taong gulang na mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa. Ina-assess ng
PISA ang aspeto ng edukasyon na kinabibilangan ng agham, matematika at
pag-intindi sa pagbasa. Tinatasa nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na magamit
ang husay hindi lamang sa pag-recall ng mahahalagang impormasyon kung hindi magamit din ang kaalaman at
kasanayan sa mga praktikal na Ang
resulta ng pagtataya ay magiging batayang impormasyon na maaaring magamit para
sa mga pagbabago at reporma sa edukasyon ng isang bansa.
DATOS:
Ayon sa balita, nakuha ng Pilipinas ang ika-79 na pwesto sa 79 na mga
bansa na sumailalim sa pag-unawa sa binabasa. Lumabas sa kabuuan ng resulta ng
pagtataya na may mahinang pag-intindi ang mga mag-aaral sa pagbabasa, gayundin
sa mga sabjek sa Ingles at Matematika. Isa din sa nakitang kahirapan sa aspeto
ng pagbasa ng 1 sa 4 na mga mag-aaral sa pagkuha ng pangunahing ideya at
pagdudugtong ng mga
impormasyon mula sa kanilang binasa. Habang 1 sa 10 mag-aaral lamang ang may
kakayahang malaman o matukoy ang katotohanan (fact) at opinyon kung ang paksang
binabasa ay hindi pamilyar sa mag-aaral.
KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON
Sa pangkalahatan, ipinapakita sa
balita ang pangangailangan sa masusing pagsusuri at pagpapaunlad sa kakayahan
ng mga mag-aaral sa maunawang pagbasa. Mahalagang iangkop ang mga estratehiya
sa pagtuturo ng mga guro sa pagbasa, paggamit ng akmang materyales at pasilidad
sa pagbasa sa mga paaralan upang maengganyo ang mga mag-aaral na magbasa.
Gayundin,ang resulta ay maging batayan
ng mga policy makers sa
pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa
bansa.
Reference:
Rose Carmelle
Lacuata, ABS-CBN News. (2019, December 3). Mga mag-aaral na Pinoy, pinakamahina
sa 79 bansa sa pag-intindi ng binabasa: PISA. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/spotlight/12/04/19/mga-mag-aaral-na-pinoy-pinakamahina-sa-79-bansa-sa-pag-intindi-ng-binabasa-pisa