TEORYANG DING DONG - bagay.
> Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.
MAX MULLER-ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog.
HALIMBAWA:- kalembang
> Ang teoryang ito ay may kahinaan sapagkat maraming mga tunog ang walang katumbas na bagay.
TEORYANG BOW WOW- kalikasan
>Ang tunog na nalilikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao.
HALIMBAWA: ang tunog-kulog, ihip ng hangin, pagbagsak ng alon, kahol ng aso, ngiyaw ng pusa
TEORYANG POOH POOH - tao.
> Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Kapag nasaling ang kanyang damdamin, nakapagbulalas siya ng mga salitang kaakibat ng kanyang nararamdaman.
HALIMBAWA:
pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka at iba pang bulalas ng damdamin
TEORYANG YO-HE-YO
> Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
> Ito ang ekspresyon na nasasambit ng tao kapag nagbubuhat siya ng mabigat na bagay, o di kaya'y may babaing nanganganak o kalahok sa isang kompetisyon
TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
>Ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal (pagkilos, pagsayaw, pagbulong, pagsigaw ) na ito na kalauna'y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan.
HALIMBAWA:
pangingisda, pakikipagdigma, pagtatanim, pagpapakasal, pag-aalay at iba pa
TEORYANG YUM-YUM
> Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nakauusal ang tao ng sanhi ng pagkagutom o pagkalam ng sikmura.
>Ito ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon ng bahagi ng pagtugong ito ay ginagawa sa pamamagitan ng bibig.
HALIMBAWA:
Pagkain o pagnguya- "yum yum o nam-nam"
TEORYANG SING-SONG
> Ayon kay Danish na linggwistang si Jespersen, ang wika ay buhat sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao. Karaniwang may melodiya at tono sa pag-usal ng ng unang tao sa mundo.
TEORYANG COO-COO
> Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ay ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang bata ang nanggagaya ng tunog sa mga matatanda.
TEORYA NG TORE NI BABEL-Bibliya
> Iisa lang wika ng mga tao noong unang panahon kung kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Dios , naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit (Genesis Kab. 11: 1-8)
TEORYANG TA-TA
> Ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkauto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita.
No comments:
Post a Comment