Saturday, September 28, 2024

HALIMBAWA NG ANOTASYON MULA SA BALITA

 

GAWAIN: ANOTASYON _BALITA

 

PAHAYAG:

Ang mga mag-aaral sa Pilipinas ay nasuri na may kakayahang makahanap ng impormasyon (locating information) ngunit isa sa pinakamahina sa pag-unawa ng binabasang teksto sa buong mundo.

PAMAGAT: Mga Mag-aaral na Pinoy, Pinakamahina sa 79 Bansa sa Pag-intindi ng Binabasa: PISA

MAY-AKDA: Rose Carmelle Lacuata

LAYUNIN, KAHALAGAHAN AT TALAKAY SA SUSING SALITA

Ang PISA 2018 (Programme for International Student Assessment) ay isang pang-internasyonal na pagsusuri na may layuning magbigay ng mahahalagang datos tungkol sa kasanayan at kaalaman ng mga nasa 15 taong gulang na mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa. Ina-assess ng PISA ang aspeto ng edukasyon na kinabibilangan ng agham, matematika at pag-intindi sa pagbasa. Tinatasa nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na magamit ang husay hindi lamang sa pag-recall ng mahahalagang impormasyon  kung hindi magamit din ang kaalaman at kasanayan sa mga praktikal na  Ang resulta ng pagtataya ay magiging batayang impormasyon na maaaring magamit para sa mga pagbabago at reporma sa edukasyon ng isang bansa.

DATOS:

Ayon sa balita, nakuha ng Pilipinas ang ika-79 na pwesto sa 79 na mga bansa na sumailalim sa pag-unawa sa binabasa. Lumabas sa kabuuan ng resulta ng pagtataya na may mahinang pag-intindi ang mga mag-aaral sa pagbabasa, gayundin sa mga sabjek sa Ingles at Matematika. Isa din sa nakitang kahirapan sa aspeto ng pagbasa ng 1 sa 4 na mga mag-aaral sa pagkuha ng pangunahing ideya at pagdudugtong ng mga impormasyon mula sa kanilang binasa. Habang 1 sa 10 mag-aaral lamang ang may kakayahang malaman o matukoy ang katotohanan (fact) at opinyon kung ang paksang binabasa ay hindi pamilyar sa mag-aaral.

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa pangkalahatan, ipinapakita sa balita ang pangangailangan sa masusing pagsusuri at pagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral sa maunawang pagbasa. Mahalagang iangkop ang mga estratehiya sa pagtuturo ng mga guro sa pagbasa, paggamit ng akmang materyales at pasilidad sa pagbasa sa mga paaralan upang maengganyo ang mga mag-aaral na magbasa. Gayundin,ang resulta ay maging batayan  ng  mga policy makers sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon  sa bansa.


Reference:

Rose Carmelle Lacuata, ABS-CBN News. (2019, December 3). Mga mag-aaral na Pinoy, pinakamahina sa 79 bansa sa pag-intindi ng binabasa: PISA. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/spotlight/12/04/19/mga-mag-aaral-na-pinoy-pinakamahina-sa-79-bansa-sa-pag-intindi-ng-binabasa-pisa


No comments:

Post a Comment