GAWAIN: ANOTASYON_PANANALIKSIK
PAHAYAG: Nasa kritikal at
malaking pangangailangan ang paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral upang umangat ang kasanayan
sa pagbasa. Ang agarang tugon ng mga
edukador at mga policy maker sa edukasyon ay kailangan upang matugunan ang isyu
ng mababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral.
PAMAGAT: Lebel ng Kasanayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral
sa Ikawalong Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Subic
MAY-AKDA : Hosenia E. Quintino, Baby S. Abagon
LAYUNIN, KAHALAGAHAN AT
TALAKAY SA SUSING SALITA
Ang pag-aaral ay isinagawa upang tukuyin ang
antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Ikawalong baitang ng Subic
National High School sa bayan ng Subic, Zambales. Ginamit ang pamamaraang
pagsusuri at pag-aaral ng datos mula sa mga mag-aaral sa pagsusuri ng antas ng
pag-unawa sa pagbasa ng iba’t ibang teksto upang makabuo ng interbensyong
materyal na makatutulong sa pagpapaunlad sa kakayahan sa pagbasa ng mga
mag-aaral. Mahalaga ang kasanayan sa maunawang pagbasa ng mga mag-aaral
sapagkat may malalim itong implikasyon sa edukasyon na nagiging sukatan ng
kalidad ng natamong edukasyon ng mga kabataan.
DATOS:
Mayroong limang bahagi ng pag-aaral ang papel na
ito; una ay ang lebel ng kasanayan sa
pagbasa ng mga mag-aaral kung saan inalam ang: pagkilala ng salita (maling bigkas, pagpapalit, pagsisingit,
pagkakaltas, paglilipat at pag-uulit) at pang-unawa. Sa ikalawang bahagi
naman ang kahirapan ng mga mag-aaral sa
pagbasa, pangatlo ang makabuluhang
pagkakaiba ng lebel ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kahirapan ng mga mag-aaral sa pagbasa;
sa ikaapat na bahagi ay
interbensyong ginawa upang mapaunlad ang lebel ng kasanayan sa pagbasa ng mga
mag-aaral.
Ginamit
sa pag-aaral ang palarawang pamamaraan
sa disenyo ng pananaliksik kung saan ang mga datos ay inilalahad kung gaano
karami o kalaki ang isang bagay at inilahad din ang resulta sa pamamagitan ng
mga bahagdan, naglalarawan kung ano ang kasalukuyan at kinabibilangan ng
deskripsyon, pagtatala, pag-aanalisa at pagpapakahulugan ng kasalukuyang
kalagayan at komposisyon. Ang talatanungan
ay ipinamahagi sa 182 na mag-aaral na
nasa ikawalong baitang. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay ang sumusunod: mayroong kasanayan sa pagbasa ang mga
mag-aaral sa pagpili ng salita ngunit hindi
naabot ang inaasahan sa pang-unawa; madali
ang kinalabasan sa kahirapan ng mga mag-aaral sa pagbasa sa pagkilala ng
mga salita tulad sa maling bigkas, pagpapalit, pagsisingit, pagkakaltas,
paglilipat at pag-uulit at medyo madali
naman sa pang-unawa; may makabuluhang pagkakaiba ang lebel ng
kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kahirapan sa pagbasa ng mga mag-aaral;
katanggap-tanggap sa mga guro ang e-modyul na ginawa ng mananaliksik bilang
pang-interbensyon.
KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON:
Sa pananaliksik ni Quintino at Abagon, makikita na mayroong malubhang
pangangailangan para sa pagpapabuti ng kalidad ng kasanayan sa pagbasa ng mga
mag-aaral sa ika-walong baitang. Ang natuklasang kakulangan sa pag-unawa ng mga
kritikal na kaisipan sa mga tekstong binabasa ay indikasyon na pagpapabuti ng
pagtuturo ng mga guro, panahon at kalidad ng oras para pagsasanay sa pagbasa ng mga mag-aaral at mga kagamitang
pang-interbensyon sa pagbasa. Ang lahat ng
nabanggit ay ilan lamang sa suhestyon na magdaragdag ng pagpapabuti ng
antas ng pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral.
.
Reference:
Journal, A.
(n.d.). LEBEL NG KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA IKAWALONG BAITANG NG
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SUBIC. (PDF) LEBEL NG KASANAYAN SA PAGBASA NG
MGA MAG-AARAL SA IKAWALONG BAITANG NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SUBIC |
AJHSSR Journal Academia.edu.
https://www.academia.edu/49532800/LEBEL_NG_KASANAYAN_SA_PAGBASA_NG_MGA_MAG_AARAL_SA_IKAWALONG_BAITANG_NG_PAMBANSANG_MATAAS_NA_PAARALAN_NG_SUBIC
No comments:
Post a Comment